I never really played Ragnarok pero I think I can relate sa mga players nito.
Way back 2000 something during the beta stages pa lang, I can remember renting innernetz sa isang chipanggang net cafe sa Boni. Dinayo pa namin kesehodang 1km away dahil sa 15 pesos per hour. Normal checking lang ng profile sa Friendster, search ng walkthrough sa GameFAQs, at download ng songs sa LimeWire. Napansin namin ng kapatid ko na busying busy naglalaro ang mga tao sa isang game. Ragnarok Online. Feeling inggitero, nagpa-aassist kami sa caretaker na installan din kami. Tanggi agad ang sagot ni kuya. Wala na daw pwede maglaro.
And with that never ko na nitry laruin ang Philippine Ragnarok. Yes nagtampo ako. Tanga din naman kasi si kuya. Di man lang kasi inekpleyn na closed na ang beta. Mauunawaan ko naman yun. Pero ok lang. At least di ako naadik masyado sa game.
Pero naadik ang mga friends ko nun. Sila Ferdie, Louie, at Paul nagpupuyat sa mga net cafe sa Kalentong. More than 12 hours yata sila nagbababad doon. Minsan bibisita na lang kami pero di mo rin sila makausap ng matino kasi mga grind mode. At wala pang kain at tulog na maayos. Yan ang dedication sa game. Actually may nagfriendship over pa sa kanila ng magkanakawan ng items sa Kafra. Extreme I tells yah.
What's so special sa pRO? I can't really say. Sa perspective ko kasi parang simpleng online game lang sya. Pero sa mga players nito equivalent ito sa dugo at pawis at oras na ginugol para lang maharvest ang rare equips at cards. Looking back, naiisip ko ang Ragnarok parang Friendster ng online games. Parang jologs lang sa mga outsiders pero cool and engaging. Hindi nga sya tulad ng modern MMORPGs with the ultra realistic character models and environment, fast pace action, high tech gameplay and all. Simple lang pero rock.
PS. Pangarap ko maging Mage dati kaso nga di ako nakapaglaro nito. Kaya dito ko lang maicacast ang Jupitel Thunder spell.
___________________
Photo by alegria via zerochan.