Friday, October 23, 2009

Music Focus - Wind Theme

Wind Theme
Chrono Trigger

The theme played when going through the overworld map at 600 AD.


Tuesday, October 20, 2009

Pause



Photo ni GreenLantern33 sa Flickr.


Ayy nakalimutan ko na pala itong blogelyang ito.
Meron pala akong ganitong kaartehan noh?!
Well wala naman siguro nagbabasa nito kaya OK lang.
Pero next time update ako ng mga FAQs sa games ulit.

Thursday, October 15, 2009

Bamboo - Mr. Clay

Itry nyo to mga kiddielets. Kakaadik sya infernezz.
Mr. Clay ni Koyang Bamboo.





Play this music game and more at JamLegend

Sunday, July 19, 2009

Friday, January 16, 2009

Sawikaing Anime

Lessons from Tagalized Animes
January, 2009


"Para kay mommy at daddy, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya."
~Nobita Nobi

"Ang tunay na kayamanan ay pagkakaibigan."
~Mojacko

"Kung mag-aaral ka lang ng mabuti, matutupad mo ang lahat ng pangarap mo."
~Doraemon

"Hindi masosolusyonan ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali."
~Meowth

"Ang buhay ay isang paglalakbay."
~Tom Sawyer

"Paminsan minsan, kailangan din natin matikman ang pagkatalo."
~Judy Abbott

"Pika pika!"
~Pikachu

Very inspiring! Lalo na yung kay Pikachu. Bright kid!

Tuesday, January 13, 2009

Pan's Labyrinth Wiki

Rise and Shine
January, 2009



Warren: Panoorin mo to.

Jeremy:
Ano ba yan title pa lang kalurki na.

Warren: Basta go!



Jeremy: Wow!

Warren: Yun lang? Wow?!

Jeremy: Suspense lang sya. Akala ko makakain si iha.

Warren: Ganon ka ba gumising?

Jeremy: Cheh!

Warren: Ewwww

Jeremy: Wala akong eyeball sa palm noh!

Warren: Galing sa movie na Pan's Labyrinth!

Jeremy: Hindi ko alam yung movie na yun.

Warren: Spanish sya.

Jeremy: Ahhh.

Warren: Bayla ka ng DVD non.

Jeremy: Meron ba English sub?

Warren: English subbed yan. Heniways Wensha tayo ulit. I need massage

Jeremy: Nako next time na busy busyhan eh. Pero gusto ko nga maulit eh.

Warren: Kainez, eh kilitiin ka naman eh.

Jeremy: Yun na nga, nakakainis. Kinikiliti lang ako, isipin ba naman na nasasarapan ako dun. Torture kaya. Gusto mo dun na lang sa mga bulag na masahista?

Warren: Ewww, gusto mo yung Pale Man ang mag massage?

Jeremy: Hindi naman nya ako makikita kasi yung mata nya pinangmamasahe nya sakin.

Warren: Gaga alisin muna nya eyes nya. Then massage ka nya. Kaso me butas yung kamay nya. Baka malagyan ng oil or tumulo yung blood sau.

Jeremy: Hindi na lang. Bloody na masyado kaya yung kamay nya. Hindi maganda sa skin ko.

Warren: Di lang blood, pati na puss.

Jeremy: Yuck! Anobeh!

Warren: Ganon nga ko matutulog later, sa dining table namin. At pag ginising ako ng nanay ko gagawin ko yung hand gesture ni Pale Man. Sabihn ko "Good morning!"

Jeremy: Panalo yun. Iskeyri ka lang.

Warren: Hahampasin ako ng walis ng nanay ko non.

Jeremy: I'm sure ikaw ang tatakbo papunta dun sa kisame.

Sunday, January 11, 2009

Wonderland

READ ME
January, 2009





I'm falling, falling, falling fast again. Pababa ng pababa, pero walang pataas ng pataas. Shett! Here na me, where na you? Where na to? San nga ba to? Hello, still there? BUZZ!!!

Welcome to Wonderland. Wondering ka ba sa mo narinig to? Eh di kay Alice, hindi Alice Dixon na naging Faye at nahulog sa Robinson kaya nagtago sa US. Walang iba kundi si Alice ng Wonderland. Duh! Based dun sa chikka ni Lewis Carroll na ginawang ng cartoon ng Disney eh eto muling binuhay ng Square-Enix ang kalurking mundong ito, na ang taas at baba ay walang katuturan kasi nga lahat ng bagay dito ay pawang konsepto lamang. Everything is just a state of mind 'ika nga or some kinda chorva like that. I know right!

Pagpasok mo pa lang merong White Rabbit na nagmamadali. Kala mo late lang sa date, o may pagka-Lydia de Vega ang drama. Syempre hindi mo na sya maabutan noh. Next room eh hindi ka kasya so kelangan mo magshrink shrinkan. Nomo ka lang dun sa botelya nakasulat "DRINK ME" instant small size ka na. Dapat nga cookie yung "EAT ME" para lumaki ulit, pero tinamad na sila sigurong gawan pa ng graphics yun kaya bote na lang din. Kung makukuha lang nila Belo at Calayan yan eh for sure bentang benta yan sa mga hindi kuntento sa mga sizes nila.

Kalurkey din ang Cheshire Cat na yan. Bukod sa hirap akong ipronounce ang name nya eh eh talagang riddler ang lola. Feeling magpa-Blue's Clues eh pusa naman sya. Azz in mga chinichikka nya eh out of this world. Pati yung kwarto nyang Bizarre Room eh supah weird talaga. Pero ang galing ng special effects kasi minsan makikita mo nasa left wall ka, right wall, at minsan sa ceiling.

Ewan ko ba bakit ang laking shortcut na biglang nasa Queen's Castle kagad ang next episode. At talagang eksena marie kagad sa trial ng Alice. Wish ko nga sana kinuha nilang writer yung sa show dati ni Atty. Sison Ipaglaban Mo. May reenactment pa ng mga sikat sikatang starlet di ba. Eh kaso gipit sa oras kaya dubberkads na lang kinuha nila. So present nga dun ang White Rabbit. At kainis pag nakuha mo na ang mga evidence eh di talaga papatalo ang lola Queen. Send sendan ng rallyistang Soldier Cards. At eto pa, hindi lang Hearts. Extra din pati Spades. Nabuy off na siguro ni Queen of Hearts ang stocks ng mga Spades.

Absent din ang Madhatter. Pero makikita mo ang Tea Party nila. Sad nga lang kasi walang naggreet sakin ng "Very Merry UnBirthday!" Tampo tuloy ako. Heniweys, nag-iwan naman sila ng kodakan moments, at nakaframe pa talaga ang mga pikturakka.

Ang isang malaking question mark dito eh bakit si Alice naging Princess of Heart? Hindi naman sya celeb or anything, hindi sya royalty! Papayag pa sana ako kung si Queen of Hearts kahit kachakkahan ang lola mo, pero baka sya pa ang magalit dahil nademote sya. Ma-off with my head pa ang ending ko.

Saturday, January 10, 2009

Camera Obscura Wiki

Picture Frame?
January 10, 2009




Jude: Check mo to.



Jude: Use your eyes well...

Jeremy: OMG. Fatal Frame adikan to.

Jude: First palang nakakatakot na. Grabe!

Jeremy: Nope, ikaw ang grabe. Azz in ten minutes ito.

Jude: Syett! Pilay yung twin sister nya.

Jeremy: Si ateng Mayu?

Jude: Yup. Hassle sa pagtakbo.

Jeremy: Dapat nagpiggy back na lang kasi. Ayyy ang hinhin pa tumakbo. Gudlak sa horror horroran.

Jude: Watch mo yung mga ghosts. Lalaruin ko talaga to sa PS2.

Jeremy: Effective yung mga kamay kamay.

Jude: Ganyan yung mga scenes dyan. Magkaka movie na sya this February. Manonood ako. Natakot ka ba s kamay?

Jeremy: Nashock lang, hindi naman katakot pero effective pa rin sya

Jude: Syett may nagsasalita pa sa background.

Jeremy: Asan ba sila?

Jude: Sa Lost Village, na-spirited away sila.

Jeremy: Panu sila napunta dyan?

Jude: Parang nawala sa reality.

Jeremy: Puro ghosts lang ba to?

Jude: Puro ghosts na nagmamanifest sa reality, poltergeist. Mga hostile ghosts karamihan. Napunta pa sila sa Village kung saan ginagawa yung Crimson Sacrifice Ritual.


Jeremy: Ano yung camera?

Jude: Camera obscura. Invented by Dr. Kunihiko Asou. May power na maka exorcise ng ghosts and purify them. But some ghosts are way too violent so kailangan mo talaga tumakbo at magtago sa game.

Jeremy: So camera lang ang weapon mo dito?

Jude: Yes, at nauubos ang film. Walang infinite chorva dun.

Jeremy: Sana man lang digital tapos i-upload sa pc di ba?

Jude: Oo, para sa Friendster at Myspace.

Jeremy: I'm sure matutuwa ang mga ghosts pag ginawan mo sila ng album.

Jude: May camera din ako.... "Camera Insecura"

Jeremy: Ang bagay sayo "Camera Echozzera"

Jude: Sira, sayo yan. Meron na nga ako eh.

Jeremy: Ayyy may point ka! Cheh!

Jude: Camera Insecura ~ pag ginamit mo to lalabas sa photo lahat ng insecure sayo

Jeremy: At kay Elvin "Camera Emotera"

Jude: Trulalu! ahahah

Jeremy: Bakit may points?

Jude: Syempre, kailangan yun sa upgrade.

Jeremy: Wala ba boss? Yung kelangan mo may secret weapon ka pa?

Jude: Walang secret weapon.

Jeremy: Enchanted Tripod of the Gods, mga ganung item?

Jude: Wala!

Tuesday, January 6, 2009

Dracula X Wiki

Richter o Maria?
January, 2009






Jeremy:
Naalala ko lang nung last time nabanggit mo yung Dracula X. Nagdownload na rin ako.

Warren: Oh? So how was it?

Jeremy: Kalurki. Kakapikon sya ha!

Warren: Amfanget noh!

Jeremy: K lang naman.

Warren: Well, kasi ganon talaga!

Jeremy: Sobrang daling madedz.

Warren: Kasi hanggang dun lang ang life bar mo.

Jeremy: Ang gusto ko lang naman eh malaro ulit yung Symphony of the Night.

Warren: Yah, pwede. Kelangan mo makuha yung kebler.

Jeremy: Oo, sobrang pahirap pa ng explanation kung san makukuha ung original game disc ng Symphony. Si Maria na nga pala character ko weh.




Warren:
Oy in fairness mas gusto ko gamitin si Maria. Alam mo ba secret move nya?

Jeremy: Nakapa ko yun pero mahirap gawin eh. OK na ako sa kalapati noh.

Warren: Malakas kaya yung secret na yun!

Jeremy: Oo nga. Eh kaso lagi naman gumagalaw yung mga boss eh.

Warren: Keri lang. At me double jump na derecho si Maria daba.

Jeremy: Gamit na gamit ko yung double jump ni Maria.




Warren:
Si Richter baliktad ang utak.

Jeremy: Si Richter parang ewan ung back flip. Ang bagal pa ng landing.

Warren: Yah sooo useless! At mabagal maglakad. Feel na feel nya. Pamin kasi sya.

Jeremy: Verum est, totoo ba itu?

Warren: Yah .

Jeremy: May account sya sa g4?

Warren: Most likely. Kita mo in the end puro gelay ang friends nya.

Jeremy: Hindi ko nga natapos kasi nainis na ako. Move on na ako sa Symphony kagad eh.

Warren: Okay go. Pero in fairness natapos ko sya, yung true ending ha!

Jeremy: Sosyal. May true ending talaga?

Warren: Naman! Kakalurkey no?

Jeremy: Nako. Kakaleche lang. Wala ba cheat yun?

Warren: Wiz ako nakita sa Google

Jeremy: Nagkamali pa ako sa Symphony. Nabad ending tuloy ako kasi nakalaban ko kagad si Richter. Lech.

Warren: Naku lalaruin ko nga ulit.

Sorceress Adel Wiki

Adelantada
January 2, 2009





Warren:
Sino nga yung isa pang soceress sa FF8? Yung nasa space?

Jeremy: Sorceress Amidala?

Warren: Gaga senator yun.

Jeremy:
Di ba si Miriam yung senador? Sorceress Adel yata.

Warren: Yah yung becky na nag trap ke Rinoa!

Jeremy: Akswali hit ung movie nya.

Warren:
Alin?

Jeremy:
Ang Tanging Ina Nyong Lahat!

Warren:
Bakit naman sya nandon?

Jeremy:
Anobeh disguise sya noh. Shortcut shortcutan ang nemsung. Aiai DELas alas. Kita mo yung fezz? Siyang sya yun.

Warren: Ay ano be! Magkababa lang.

Jeremy:
Nadala ka lang sa mukap. Hindi mo namukhaan talaga?




Jeremy:
Heniweys vortang vorta ang dating ni Adel.

Warren: Becky nga kasi si Adel.

Jeremy:
Pwede ka bugbugin.

Warren:
Yah me sorceress bang otoko daba, kaya becky sya.

Jeremy: Tapos ipa-implant ba naman si Rinoa. Ang shunga ng lola.

Warren: Napagkamalan nyang boobs si Rinoa. At mega cast ng drain talaga.

Jeremy: Magaling humigop!

Warren:
Drainga!!!

Jeremy: San ba kasing barangay sumasali ng Ms gay yang si Adel, ang chakka ng costume ha. Hindi kasi nanonood ng Miss Universe.

Warren:
Kase nga all this time nasa space sya, walang tv reception dun.

Jeremy: Wala ba silang satellite dish?

Warren:
Actually galing Bulacan sya eh.

Jeremy:
So mega sakay sya ng Lolo Thunder to space?

Warren: Yah. From bulacan to space. Dapat hanggang Pampanga lang. Eh umabot sa space.

Jeremy:
Ahhh sayang naman, balita ko nagkecrave pa naman sya ng longganisa.

Warren:
Winner si lola mo kasi 10 feet tall.

Jeremy:
Kalurki. Pwedeng basketbolista.

Warren: Naman. Eh becky sya so beucon sya.
Related Posts with Thumbnails
 

blogger templates | Make Money Online