Friday, February 19, 2010

Juri

 Old news na to. One of the newest street fighter si Juri. She's Korean, first ever sa SF series at female pa ha. Her fighting style is Taekwondo, although may ground projectile sya ha. Anong say naman ni Kim Kaphwan jan at ang kanyang apprentice na si Chae Lim. Heniweys gudlak kay Juri dahil bad girl sya at nasa side sya ng S.I.N. under Seth, na akala ko nategi na sa ending ng SF4.

Gotta love the pink sparks na gamit ni gurl. May clip pa nga na kalaban nya si Chun-Li eh. Ano kaya ang alternate costumes ni teh? Di kaya magsuot din sya ng proper dobok? Or magcosplay sya as Maylee Jinju, total parehas naman silang fashionista eh alam mo yan.

Wednesday, February 17, 2010

Barbarian Streissand


Ayan kakarelease pa lang ng info about female Barbarian sa Diablo 3. Ano ba ang tawag sa babaeng barbarian? Barbarianess?! Ewan, sa ibang game ang female counterpart ng barbarian eh Amazon, alam mo yan.

Anyways, sa Heroes of Might and Magic ang Might hero ng Stronghold faction eh Barbarian at hindi sya gender specific. Well, before HoMMV yan kasi sa last expansion noon na Tribes of the East, ang mga barbarians eh Orcish. Sa Disciples II, yung Mountain Clan eh mukhang dwarves at slightly resembling ng design sa Barbarians ng series na to.

Anyways ulit, bakit mostly ang design sa barbarians eh closely resembling sa Vikings? Naalala ko lagi sa Vikings eh yung fat soprano singer with the helmet at pigtails instead of horns. At dahil jan, the megasing na ang fat lady (di naman fat si Barbra di ba?) Ano daw konek? Over na!

Zangief vs Cammy

 
Nasight ko lang yung new sets ng alternate costumes sa SSF4. At ano to?! Kumo-cosplay ang mga characters?! Bakit ganon na lang umimbento ang Capcom ng alternate costumes noh? Nasaan ang hustisya?

Ayan si Zangief as Colossus. Akala ko ba expired na ang license ng Capcom to team up with Marvel, pero ano to? Sakop pa ba to ng intellectual property rights? Anyways, ok na sana, maskulado naman si Zangief. Mas malaki sya ng di hamak kay Colossus. Pero look at the big umbok sa metallic brief nya na bonggang bonggang red pa. That's just gross! *arte lang*

At eto naman si ateng Cammy kumo-costume ng Vega or Bison or whatever, complete with the metal boots at red cap, pero look at the skimpy swimwear. Wish ko lang eh Doll costume na lang ginamit sa kanya, yah know the Juli and Juni costume, remember? Anyways, outside si Cammy sa 12 Dolls ni Vega pero yun ang mas logical costume na ilagay nila. Or yung Shadaloo costume nya from X-Men vs Streetfighter. Eto may photo evidence ako:


Sunday, February 14, 2010

Diablo 3 Wizard

Although di ko pa nalalaro ever ang Diablo games, eh excited excitedan naman ako sa upcoming Diablo 3. Mejo maganda lang naririnig kong feedback sa Diablo 2 sa kapatid ko. At heto nga ganda ng graphics ng D3. At artistic artistican to the max ang story nila ha, azz in may made up bard or historian pa sila para magdescribe ng people of places in D3.
Isa sa announced classes eh ang Wizard. At dahil magically-inclined ako most of the time (I mean pag class selection eh yun ang first choice ko kesehodang mahirap magpalevel up from scratch eh go pa rin talaga ako, kahit hindi na magkandaugaga dahil tegi ng tegi, dapa ng dapa eh go pa rin talaga ako) eh malamang sa malamang eto ang piliin kong starting class.

Female ang default gender ng Wizard. Teka ano ba ang tawag sa female Wizard? Di naman witch siguro dabah?! Wizardress, anyone? Chakka ng name. Anyways, sa Monk class eh may male at female counterparts so I'm wishing may male Wizard at sana lang cute yung ilagay nilang fez ha, di katulad dun sa mong na kalbong may beard, parang sanggano lang sa kanto. Pero meron silang concept art sa male wizard kaya di ko na kelangan mag-wish, waiting galore na lang ako ng next update nila.

 

Friday, February 12, 2010

Trickster

 
Tuloy na naman ako sa aking pagiging asaness Mark Hunter sa FF12. This time ang may pakana eh si Gurdy sa Mt. Bur-Omisace. Ang siste eh meron daw pinapahanap na uberwhite chocobo, di ko lang makonek bakit kelangan nya ipahunt ito eh Chocobo Breeder kaya sya.

Heniweys, go na ako sa Frozen Lake sa Paramina Rift. Dala ang aking Level 32 party. Note: ang stat ng Trickster Level 44 at 61,321 HP. Ever blinking sya kaya minsan nagvavanish sya, at ang leche takbo ng takbo. Kapag nangarag na ang life ni birdie eh bigla syang magcacast ng White Wind at sa time na to eh immune sya sa physical damage. Minsan nagcacast pa sya ng Doom. At madalas nagcacast sya ng Chocobo Comet na 1k ang damage.

May pumaparty pa sa amin na NPC galing Clan Centurio, si Monid na isang monk-like Bangaa. Actually umaasa lang ako sa kanya kasi sya lang naman ang nakakadamage sa Trickster. Ang kamalasan nga lang madalas dinodoom nya si Monid kaya on your own na kami. Ilang tries na ginawa ko pero bumubulagta talaga ang party ko. Weak!

After ng aking adventure sa Stilshrine of Miriam, mejo umincrease kami ng level. Slight lang, mga 2 levels. At dahil jan mejo nilakasan ng loob na naman akong umasa. Try ulit, di ko na hinahabol masyado si Trickster. Inaantay ko lang madamage ni Monid tapos antay na akong mag-paling sya. Sa time na yon nakaset na ako sa Drain galore. Pero nauubos ang first party ko sa Chocobo Comet. Yung second party same set up pa rin: yung isa pure Cure/Cura ang Gambit, tapos the other two Drain galore ulit. In a matter of minutes, siguro five pero di ko sure ha, ayun tumba na rin si Trickster. Zero XP at 25 LP. Pero at least meron syang plushie icon sa Sky Pirate's Den sa Clan Primer.

Wednesday, February 10, 2010

Orthos

Rumeretro ako sa games ngayon. At FF12 ang target ko. Mejo nabobore nga lang ako sa haba ng mga nilalakad ko everytime at dahil kuripot ako gumamit ng teleport stone. Anyways, nagmamark hunting ako at nakita ko yung Orthos quest. Rank V sya pero gumora pa rin ako. Kinaya ko nga yung Rank III quest na Gil Snapper for 20 minutes, ano pa kaya ito.

 

Level 32 lang ang party ko composed of girls: Ashe, Penelo at Fran kasi yung ang requirement ni Orthos. Tukayo nya yung mini-boss sa FF6, at may pagkaslight maniacism sya pansin nyo? Feeling ko naman ang lakas lakas ko na. Feeling ko Gullwings tong mga to na nananalo using normal attacks lang. Pero no no no. Weak sila, weak ako. Pramis. Inabot ako ng 2 hours. Walang biro. Nabubuhay lang ako kakatakbo, block at attack, Charge, at Cure. Mangiyak ngiyak na ako ng ilang beses na muntik mawipe out ang party ko. Asan ang Catnip at Triggerhappy kung kelangan ko. Walang kwenta kasi ang Quickenings leche.

Ayon sa FF Wikia, ang stats ni Orthos eh Level 34 sya na may 87,141 HP at 999 MP. Goodluck naman sa two-digit damage ko. Nung huli eh nagpa-license pa talaga ako ng Souleater para makadamage ng 349 sa kanya, pero ang damage sa akin 400+. Nasaan ang hustisya jan? Pero keri na, at least nakaka-3digit na ako. Pero di pa rin sya at par sa Darkness ng Dark Knight ng FFX-2. Buti na lang at extra si Larsa (mukha naman syang gurl eh kaya pinagbigyan siguro) na ginagamit kong dummy.

After ng lahat ng pinaghirapan ko, 3,800 lang ang reward sa Hunt ha. Kacheapan lang ha. Mas yumaman pa yata ako kakapulot ng loots sa Giza Plains. Pero ok na lang din. Kelangan ko na talaga makapag-advance sa clan ranking ko. At sa susunod lower rank na marks muna.

Moral of the story: Hindi lahat ng Girl Power eh sing-powerful ng Power Puff.

Tuesday, February 9, 2010

Cammy Ultra 2



Coming out soon na ang Super Street Fighter IV at syempre parang niremake lang naman ang buong cast ng SSF2T sa 3D. That just means ever present si ateng Cammy na unlockable lang before sa console version ng orig SF4. At dahil mejo naisip lang nila na maglagay ng second Ultra combo ala SF3 para may choice kuno. Anyways, yung first Ultra combo nya eh yung Gyro Spin Drive Smasher na same ang animation sa Spin Dive Smasher except may neck break sa dulo.

Yung second Ultra combo nya eh counter move Cammy Quick Combination. Pag kumonek yung move, startup nya frankensteiner kagad. Next eh arm break na same animation ng M. Spider ni Blue Mary. Final Move eh neck break habang nakadapa ang kalaban.

It's so brutal. I just love it.

Friday, February 5, 2010

Tekken Forever




February 3, 2010

Nagkaron na naman ng continuation ang Tekken 6-travaganza Tourney sa house ni Ian (na up til now eh di pa rin napapalayas dahil sa weekly disruption ng peace and order) at ngayon may ilang bagong recruits. Si Mike, na present last week pero di nakajoin sa team selection kasi maaga sya umalis para pumasok, ay isa na ring ganap na Lilian. Si Junjun ni Harty (aka Diyosang Lili na parang nanay mag-alala, tinext pa talaga ako kung andun pa si Junjun kahit disoras ng gabi) ay bagong Lilian din. Nandun si Popoi na naging instant fan ni Christie dahil lang sa pagpapractice nya sa PSP. Di nakarating si Jomz (na solo entry for Julia sana) kasi ba naman nakatulugan ng mga tao ang mga text nya. Oo, pitong tao ang di nakapagcheck ng cp nila habang imbyerna si Jomz sa Ministop kakaantay. Sorry talaga teh.

As a recap, complete attendance naman ang mga Alisians na sila Moj aka Graberang Alisa, Seth aka Lipaderang Alisa, at Levi aka Teknikerang Alisa pero di na sila dumami ng lahi, clap clap na lang sa willpower. Si Ian eh gumagaling na sa kaka-basic moves, kaya sya na ngayong ang tinaguriang Chambaerang Lili. Si Efren (what a nice name) aka Abangerang Lili eh absent dahil umeemergency escape sa amin.


Bagong recruits ng TEAM LILIBELLES




Ivan - Tamblingerong Lili
Mike - Lapiterang Lili
Junjun - Newbie Lili


TEAM ZAFINISTA

Ako naman ang fallen Lilian, ipinagpalit ko muna ang ganda nya sa kaweirdohan ni ateng Zafina (aka Ms. Zafina Paner yes.) Sya lang talaga ang kaya umiistyle ng scarecrow, tarantula at mantis oh dabah kaloka lang sa stretching skills si teh kaya I lurve her na.





Zafina - Security Guard sa Pyramid sa Las Vegas
Jemz - Comboerang Zafina



Ang Makabagong TEAM CAPOEIRA

Featuring ang minority group composed ng two members only na mahilig tumambling at manadyak. Silang talaga ang nahalina sa Capoeira. At nagchallenge pa talaga silang dalawa di ba. Dapat nagkampihan na lang sila, pero ganun talaga ang mga beki, ayaw paawat at ayaw patalbog sa tamblingan at kembutan.





Christie Monteiro - Number one fan, stalker at inggitera ni J. Lo
Popoi - Tamblingerang Christie




Eddy Gordo - Breakdance DI at tanggero sa kanto.
Herson - Tamblingerong Eddy

Queen of Ironfist Tournament


Tekken Tournament
January, 2010


Weekly eh meron umpukan ang mga kabekihan sa paglalaro ng tekken. At dahil beki nga, eh di syempre bumibida dito ang mga gurls. Lost na ang beauty nila Nina, Anna, Julia, Xiaoyu, Leo (aka Ellen DeGeneres), Zafina (aka babaeng ahas o alakdan), at Asuka. Move on na tayo sa top contenders ng Queen of Ironfist tournament. At take note nagkaroon ng dalawang teams dahil dito.





Lili Rochefort - heredera ng isang hacienda ng kalamansi sa may bandang Bulacan.

TEAM LILIPETS

Jemz - Comboerang Lili
AJ - Abangerang Lili
Ian - Tamblingerang Lili





Alisa Bosconovitch - saber-marionette/cyborg at part-time pulis pangkalawakan.

TEAM ALISIANS

Levi - Teknikerang Alisa
Seth - Lipaderang Alisa
Moj - Grab-erang Alisa


Whose team are you on? Sino ang tunay na reyna? Kanino luluhod ang mga tala? Just type TEKKEN space (Alisa or Lili)  at send mo lang yan sa 2366.
Related Posts with Thumbnails
 

blogger templates | Make Money Online