I'm not really a fan of the whole gore-fest, survival horror genre pero there's something about Resident Evil that keeps me coming back for more. I've played all three titles on the Playstation 1 but unfortunately missed out on all subsequent games after them. Pero ngayong meron na akong Wii eh pwede ko na malaro yung RE4 ni Leon. Other RE titles sa Wii eh yung Darkside Chronicles which is a shooter game ala Virtua Cop pero set sa time ng RE2 nila Leon at Claire.
Heniweys may remake pala ang Resident Evil sa Wii. Maraming version differences from the original game. Like yung mga crimson head zombies na akswali faster version ng zombies dahil tumatakbo sila, nang-iislash, at bumubuga ng bile, imagine yung mga athletic zombies sa Left4Dead. So ngayon kelangan mo na talagang magsunog ng mga zombies via lighter ang kerosene kung ayaw mong ma-Night of the Living Dead ka. And now marunong nang magbukas ng doors ang mga zombies, minsan so consider your friendly typewriter as your sanctuary, wag lang mag-adik masyado sa ribbons. Tapos may inintro pa silang primogenitor virus freak na si Lisa Trevor na nakakabuset dahil immortal sya.
Lisa, hindi ka naman boba, slow ka lang you weirdo, you freak! Choz.
I just finished playing Chris Redfield's scenario. Ewan ko ba bakit ko inuna si Chris samantalang easier version yung kay Jill Vallentine although for a price of smaller stamina so kelangan mo na magrely sa pagalingan na lang magshoot and run hahah. Meron syang additional 2 item slots nya. Meron din syang free access sa lockpick. Other differences between them eh si Jill marunong magpiano and yes magagamit mo ang talent na yan sa pagplay ng
Moonlight Sonata at ipapahiya talaga nya si Rebecca Chambers at Lady GaGa sa aspetong yan pramis. Marunong din sya magmix ng chemicals at expert sa herbology.
Buti na lang talaga at natyaga ko ang game na to kahit limited lang ang mga bullets ko. Andaming boss enemies akong napatay using pistol lang ha. Second best weapon ko ang shotgun pero very limited ang shells. Favorite ko naman ang magnum dahil kahit limited rounds sya eh capable naman sya ng perfect headshots. Is it still normal kung winiwish ko sumabog ang utak nila?
Heniweys kapag natetegi ako sa game eh nakikita ko ang loading screen na may tagline at naisip ko lang ifill in the blanks.
Fear can't kill you but...
1.
Zombies will. (including crimson heads and hunters)
2.
Cerberi will.
3.
Crows will.
4.
Spiders will. (of all sizes)
5.
Snakes will. (including giant snake forms preferring J Lo as food stuffs)
6.
Sharks will. (including freak sizes able to destroy underwater facilities)
7.
Mutated plants will.
8.
Big boulders will. (no moss types... yah know rolling stone?)
9.
Chimaeras will.
10.
Tyrant-virus-infused-freakazoids will.
and, lastly, Heart attack will. So yeah, lahat talaga gusto kang tegihin. Parang episode lang ng Final Destination na nanghahabol. O eksena sa Fengshui na pinipilit tegihin ni Lotus Feet si Lotlot. Remember? choz
May tanong lang ako, kung nakakagat ka ng mga zombies tapos kumain ka lang ng green herb eh gagaling ka na (hallelujah), bakit di na lang natin pakainin yung ibang mga zombies ng green plants? Di ba sila magically gagaling sa kanilang zombification? Or at least madivert ang kanilang cannibalism to herbivorism? Pero ayaw ni sunflower ng ganyan. Choz.