Sunday, January 11, 2009

Wonderland

READ ME
January, 2009





I'm falling, falling, falling fast again. Pababa ng pababa, pero walang pataas ng pataas. Shett! Here na me, where na you? Where na to? San nga ba to? Hello, still there? BUZZ!!!

Welcome to Wonderland. Wondering ka ba sa mo narinig to? Eh di kay Alice, hindi Alice Dixon na naging Faye at nahulog sa Robinson kaya nagtago sa US. Walang iba kundi si Alice ng Wonderland. Duh! Based dun sa chikka ni Lewis Carroll na ginawang ng cartoon ng Disney eh eto muling binuhay ng Square-Enix ang kalurking mundong ito, na ang taas at baba ay walang katuturan kasi nga lahat ng bagay dito ay pawang konsepto lamang. Everything is just a state of mind 'ika nga or some kinda chorva like that. I know right!

Pagpasok mo pa lang merong White Rabbit na nagmamadali. Kala mo late lang sa date, o may pagka-Lydia de Vega ang drama. Syempre hindi mo na sya maabutan noh. Next room eh hindi ka kasya so kelangan mo magshrink shrinkan. Nomo ka lang dun sa botelya nakasulat "DRINK ME" instant small size ka na. Dapat nga cookie yung "EAT ME" para lumaki ulit, pero tinamad na sila sigurong gawan pa ng graphics yun kaya bote na lang din. Kung makukuha lang nila Belo at Calayan yan eh for sure bentang benta yan sa mga hindi kuntento sa mga sizes nila.

Kalurkey din ang Cheshire Cat na yan. Bukod sa hirap akong ipronounce ang name nya eh eh talagang riddler ang lola. Feeling magpa-Blue's Clues eh pusa naman sya. Azz in mga chinichikka nya eh out of this world. Pati yung kwarto nyang Bizarre Room eh supah weird talaga. Pero ang galing ng special effects kasi minsan makikita mo nasa left wall ka, right wall, at minsan sa ceiling.

Ewan ko ba bakit ang laking shortcut na biglang nasa Queen's Castle kagad ang next episode. At talagang eksena marie kagad sa trial ng Alice. Wish ko nga sana kinuha nilang writer yung sa show dati ni Atty. Sison Ipaglaban Mo. May reenactment pa ng mga sikat sikatang starlet di ba. Eh kaso gipit sa oras kaya dubberkads na lang kinuha nila. So present nga dun ang White Rabbit. At kainis pag nakuha mo na ang mga evidence eh di talaga papatalo ang lola Queen. Send sendan ng rallyistang Soldier Cards. At eto pa, hindi lang Hearts. Extra din pati Spades. Nabuy off na siguro ni Queen of Hearts ang stocks ng mga Spades.

Absent din ang Madhatter. Pero makikita mo ang Tea Party nila. Sad nga lang kasi walang naggreet sakin ng "Very Merry UnBirthday!" Tampo tuloy ako. Heniweys, nag-iwan naman sila ng kodakan moments, at nakaframe pa talaga ang mga pikturakka.

Ang isang malaking question mark dito eh bakit si Alice naging Princess of Heart? Hindi naman sya celeb or anything, hindi sya royalty! Papayag pa sana ako kung si Queen of Hearts kahit kachakkahan ang lola mo, pero baka sya pa ang magalit dahil nademote sya. Ma-off with my head pa ang ending ko.

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails
 

blogger templates | Make Money Online